Slo Mo
Eraserheads'Slo Mo' se estrenó en 1995. Este tema está incluido en el disco 'Cutterpillow'
Al final de la letra 'Slo Mo' podrás comentar sobre ella y acceder a más canciones de Eraserheads.
LETRA
Slo Mo
Dati'y walang takot kang sumubok
Ng kahit anong gawain
Walang kasawa-sawa sa mga bagay-bagay
Di na kailangang isipin
Kung anong mangyayari
Walang pakialam kahit anong kalabasan
Sa oras na tanso, di nanghihinayang
Heto na ngayon, punong puno ang utak
Ang daming ninanais, ang daming kailangan
Pero walang panahon
Slow, it hurts so fine
Slow, im killing time
My lemon lime
Ang mga tao sa buhay mo
Ay nagdaraan lamang
Umaalis, dumarating, walang naiiwan
Ang kwento ng pag-ibig
Ay kumusta at paalam
Ngayo'y alam mo na kung paano mag-isa
Natagpuan ang kasagutan
Sa mga katanungan
Lahat ay nangyayari tamang oras at lugar
Pero iba ang nasasabi
Unti-unti mo nang naiintindihan
Ang payo ng magulang
Slow, it hurts so fine
Slow, im killing time
My lemon lime
Di mo kailangan unawain
Ang aking mga gawain
Di mo pwedeng ikahon ang pagod at puyat ko
Kung may nais kang malaman
Ba't di mo rin subukan
Makinig ka nang mabuti, tumatanda na ang pusa ko
Kahihintay sa linya ng telepono
Slow, it hurts so fine
Slow, im killing time
My lemon lime